28

Oct 25, 2020 @ 22:28
By

Pinoy archbishop dineklarang kardinal ni Pope Francis

Naging ika-siyam na Filipino cardinal si Capiz archbishop Jose Advincula matapos ianunsyo na kasama siya sa 13 bagong kardinal ng Simbahan.

Inanunsyo ito ni Pope Francis sa Angelus nitong Linggo, kung saan siya ang ika-apat na nabubuhay na Pinoy cardinal kasama sina Gaudencio Rosales, Orlando Quevedo at Evangelization of Peoples prefect Luis Antonio Tagle.

Si Advincula ay ang kasalukuyang vice-chairman ng Committee on International Eucharistic Congress.

Nagsimulang maging Capiz archbishop si Advincula noong 2012, naging pari naman noon pang 1976.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?