78

By

Pinoy archbishop, bagong papal envoy sa Spain

Itinalaga nitong Martes ni Pope Francis si Filipino Archbishop Bernardito Auza bilang bagong Apostolic Nuncio sa Spain.

Pinalitan ni Archbishop Auza ang nagretirong si Italian Archbishop Renzo Fratini, na mula pa 2009 nakaupo bilang Apostolic Nuncio sa Spain.

Batay sa canon law, kinakailangan nang magpasa ng resignation sa Santo Papa ang mga obispo na tumuntong na sa edad na 75.

Nagdiwang ng ika-75 niyang kaarawan si Fratini noong Hulyo.

Inanunsiyo ang appointment ni Archbishop Auza sa Rome alas-sais ng gabi nitong Oktubre 1.

Si Auza ay kilalang bihasa sa Spanish language.

Bago siya italaga ni Pope Francis, naging Permanent Observer siya ng Holy See sa United Nations sa New York.

Pinanganak siya sa Talibon, Bohol at naordinahan bilang pari para sa Diocese of Tagbilaran noong 1985.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?