19

Jul 16, 2020 @ 20:54
By

Pinoy abroad na infected ng COVID palapit na sa 9,000

Panibagong 59 na Pilipino sa ibang bansa ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.

Naitala na sa 8,974 ang total tally sa overseas infections sa mga Philippine national.

Dagdag ng DFA, kumitil pa ng 15 overseas Filipinos ang respiratory illness na nagpataas sa death toll sa 633.

Samantala, sampu naman ang nadagdag sa mga COVID-19 survivor, na 5,321 na sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?