33

May 27, 2021 @ 15:18
By

Pinoy, 8 pa todas sa California ratratan

Patay ang isang Pilipino sa nangyaring mass shooting sa San Jose, California nitong Miyerkoles (Huwebes, oras sa Pilipinas).

Nagpaputok si Samuel Cassidy, empleyado ng Valley Transportation Authority, sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Kasama sa napaslang ni Cassidy ay ang Pinoy na si Paul dela Cruz Megia, na empleyado rin ng nasabing public transport service.

Bukod kay Megia, nasawi din sa insidente sina Adrian Balleza, Jose de Jesus Hernandez III, Timothy Michael Romo, Lars Lane, Abdolvahab Alaghmandan, Michael Rudometkin at Taptejdeep Singh.

Ayon sa dating asawa ng suspek, matagal na umanong sinasabi ni Samuel na gusto niyang patayun ang kanyang mga co-worker ngunit hindi nila batid na seryoso pala ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?