24

By

Piñol kumpiyansa: Presyo ng bigas tatatag sa Nobyembre

Sharing is caring!

Magiging matatag na umano sa Nobyembre ang presyo ng commercial rice bagaman malabo na itong bumaba sa presyong P40 kada kilo.

Sinabi ito ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol sa gitna ng pagdinig ukol sa panukalang badyet ng kaniyang ahensya para sa susunod na taon.

Umano’y tataas na ang suplay ng bigas sa merkado dahil nag-umpisa nang mag-ani ang ang mga magsasaka ngayong Setyembre

“Sa presyuhan, I believe that this will stabilize. Rice prices will stabilize by November this year, pero hindi na bababa ng P40 (bawat kilo),” sabi ni Pinol.

Samantala, sa pagdinig din ng Senado, sinabi ni Pinol na hindi kinakapos ng bigas sa merkado.

Maari lang umanong nagkukulang ng bigas sa merkado dahil sa mga rice hoarder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?