46

Sep 24, 2018 @ 18:46
By

Piñol klinaro ang estado ni Aquino sa NFA

Itinanggi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na nais nitong pamunuan pa rin ni Jason Aquino ang National Food Authority (NFA).

Paglilinaw ni Piñol hindi pa naman naaalis si Aquino sa NFA dahil sa susunod na buwan pa uupo ang kapalit niyang si Army Lt. Gen. Rolando Bautista.

Dagdag pa ng kalihim, hindi pa rin sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggal na niya sa NFA si Aquino.

“Wala pa naman sinasabi si presidente na sinisibak niya si Aquino, Aquino remains as NFA administrator until such time that Gen. Rolly Bautista takes over,” ayon kay Piñol.

Sinabi pa nito na wala siyang kapangyarihan para pagdesisyunan ang dapat gawin kay Aquino.

Unang sinabi ni Pangulong Duterte na umapela na sa kanya si Aquino na tanggalin na siya sa posisyon at kasunod nito, ibinalik ang NFA sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?