257

Jun 28, 2019 @ 10:36
By

Piñol hindi korap, madaldal lang – Duterte

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang isyu ng korapsiyon ang dahilan nang pagbibitiw ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Wala rin aniyang kinalaman ang krisis sa bigas sa pagsumite ng courtesy resignation ni Piñol noong Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na kailangan niya ang isang timon sa Mindanao kaya ilalagay niya si Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority.

Binigyang-diin ng Presidente na masaya siya sa pamamalakad ni Piñol sa Department of Agriculture at hindi ito corrupt, at ang tanging maipipintas lamang aniya sa kalihim ay ang pagiging madaldal nito.

“Corruption, wala. It is not corruption, he is not corrupt, he’s just talkative,” anang Pangulo.

Kakausapin aniya ng Presidente si Bangsamoro Autonomous Region interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim bago tanggapin ang resignation ni Piñol.

Nais ng Pangulo na pangunahan ni Piñol ang pagpapaunlad sa Mindanao dahil malaking bentahe ang pagiging Mindanaoan nito para maisulong ang mga programang pang-kaunlaran sa rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?