165

Sep 1, 2018 @ 16:54
By

Piñol game na sumalang sa ‘bukbok rice-eating challenge’

Pinatunayan ng Kalihim ng Agrikulura na si Manny Piñol ang kanyang sinabi na kakain siya ng ‘bukbok rice’ at sinamahan pa niya ng galunggong sa isang interbyu sa telebisyon,

Sa tapat ng kamera, isinubo ni Piñol habang nakakamay ang kanin na ginapangan ng bukbok na siya mismo ang nagsaing.

Puwedeng kainin, ipapakita ko sa inyo…. Ako mismo nagsaing nito” sabi ni Piñol sa interbyu ng UNTV habang kinakain rin ang galunggong na gumawa rin ng ingay dahil diumano’y may formalin.

Nilinaw din ng Agriculture secretary na hindi pagkain ng bukbok ang sinabi niya sa kanyang nakaraang interbyu, ang nais lang ipaalam ng kalihim sa publiko ay walang masama sa bigas na dinapuan ng bukbok.

“Wala akong sinabing kakain ako ng bukbok. Ang sinasabi ko lang, huwag nating itapon ang bigas na ginapangan ng bukbok kasi ‘pag hinugasan yan, makakain yan,” paliwanag ni Piñol. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?