430

Oct 8, 2021 @ 22:58
By

Pink na ilaw sa mga gusali hindi para kay Robredo

Itinanggi ng St. Luke’s Hospital at ng Marco Polo Hotel sa Ortigas na ang mga pink na ilaw sa kanilang mga gusali na kumalat sa social media ay suporta sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Marco Polo Hotel, ang ilaw ng kanilang building ay nag-iiba-iba ng kulay at hindi ito buong gabing nakakulay pink.

Sabi naman ni Oliva Miguel ng St. Luke’s Hospital, nag-ilaw ng pink ang ospital para gunitain ang Breast Cancer Awareness Month.

Hindi niya sinabi kung suporta rin ito kay Robredo.

Sabi ni Miguel, ang larawang kumalat sa social media ay sa St. Luke’s Quezon City pero noon pa ito kuha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?