180

Oct 21, 2021 @ 21:54
By

Pink hindi lang basta kulay – VP Leni

Hindi lang basta kulay ang pink, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Aniya, isa raw itong uri ng pamumuhay.

“Hindi lang siya damit o ribbon. Kulay siya ng pagkatao na bukas, nakikinig, nagmamahal. Tayong lahat ang nagdadala nito. Kailangan nating isalamin ang tunay na ibig sabihin ng pink habang suot natin ito,” mensahe ni Robredo sa kanyang mga supporter o “kakampink”.

“Gumawa ng mabuti, magpaabot ng tulong sa kapwa, maging mahinahon sa pagbabahagi ng ating mensahe.

“Tandaan: Madaling makipagtalo, mas radikal ang magmahal. Hanapin ang mga damdamin at sentimyentong nagbibigkis sa bawat Pilipino at mula doon bigyang-liwanag ang katotohanan, iisa ang pangarap nating bukas, mas mapayapa at mas maginhawa.

“Isang bukas kung saan hindi magkakalaban kundi ipinaglalaban ng Pilipino ang isa’t isa. Rosas ang kulay ng bukas at pag-ibig ang magdadala sa atin doon. Pag-ibig ang magpapanalo sa atin sa laban na ito,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?