121

Apr 4, 2020 @ 11:31
By

Pink, anak nanahimik nang mag-COVID positive, lumantadnang mag-negative

Nanahimik muna ang sikat na American singer-songwriter na si Alecia Beth Moore o mas kilala sa bansag na ‘Pink’ nang magpositibo ito sa pandemic COVID-19 at maging ang kanyang 3-anyos na anak.

Sa Instagram post ng 40-anyos singer ay nanahimik muna ito at tila nilihim na may sintomas silang mag-ina ng conoravirus.

“Two weeks ago my three-year old son, Jameson, and I are were showing symptoms of COVID-19,” pahayag ni Pink sa kanyang IG account.

Upang di lumala ang mikrobyo ay agad namang nagpasuri ang mag-ina sa kanilang family doctor kung saan lumitaw na dinapuan sila ng kanyang anak ng virus.

“Fortunately, our primary care physician had access to tests and I tested positive. My family was already sheltering at home and we continued to do so for the last two weeks following the instruction of our doctor.

Matapos naman aniya ang 2-linggong gamutan ay nagnegatibo na ang sikat na singer at ang kanyang anak.

“Just a few days ago we were re-tested and are now thankfully negative.”

Kasabay naman nito ay kinalampag ni Pink ang kanilang gobyerno hinggil sa mga kapabayaan at kakulangan aniya sa pag-aksyon sa lumalalang COVID na dapat aniya’y sineseryoso.

“It is an absolute travesty and failure of our government to not make testing more widely accessible,” aniya.

“This illness is serious and real. People need to know that the illness affects the young and old, healthy and unhealthy, rich and poor, and we must make testing free and more widely accessible to protect our children, our families, our friends and our communities.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?