9
zarate
By

Pinirmahang EO ni Duterte, walang silbi – Zarate, Casilao

Sharing is caring!

Wala umanong bago kaya walang silbi ang nilagdaang Executive Order (EO) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, nasa Labor Code na ang pagbabawal sa labor only contracting (LOC).

“Ang kailangan ngayon ay maglabas ng policy na ipagbawal ang lahat na forms of job contracting,” giit ni Zarate.

Naniniwala ang kongresista na gusto lamang pahupain ng Malakanyang ang galit ng mga manggagawa sa pagtalikod ng Pangulo sa pangako nitong wakasan ang “endo” at kontraktwalisasyon.

Sinegundahan ito ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao na nagsabing ang pinirmahang EO ni Duterte ay pag-uulit lang ng umiiral nang labor laws na napatunayang anti-worker.

Sa kabila aniya ng pagbabawal sa LOC ay nagagawa pa rin ng mga employer na paikutin ang batas na ito.

Binigyang-diin ni Casilao na ang hiling ng mga manggagawa ay lubusang ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng prinsipyo ng direct hiring.

“Dapat nailagay sana sa EO na pangunahing prinsipyo ng gobyerno ang direct hiring as a basic principle of employment,” sabi ni Casilao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?