30

Jan 9, 2022 @ 22:52

Pingris namudmod ng vitamins sa kababayan

Ngayong laganap ang sakit, hindi nakalimot si Marc Pingris na patibayin ang resistensya ng kanyang mga kababayan sa Pangasinan.

Sa Instagram post ni ‘Pinoy Sakuragi’, namahagi siya ng vitamins, bigas at noodles sa mga residente ng Pozurrubio, Pangasinan.

“Nakaka-miss gawin eto ang mag bigay ng kunting saya sa mga kababayan ko,” wika ni Pingris.

Pinuri naman si Pingris ng mga netizen dahil sa pagtulong niya sa kanyang bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?