341

Dec 14, 2017 @ 15:14

Pingris inoperahan, ‘di pa siguradong makakalaro sa Magnolia

Hindi pa sigurado kung makakalaro si Marc Pingris sa Magnolia sa pag-uumpisa ng PBA Philippine Cup sa Linggo matapos sumailalim sa operasyon.

Inoperahan dahil sa kidney stones si Pingris noong nakaraang linggo na nakalabas na ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay.

Tagumpay naman ang operasyon ng beteranong basketbolista ngunit kasalukuyan pang tinitimbang ang kondisyon nito kung makakalaro o hindi, ayon sa Spin.ph.

Habang nasa ospital ay binisita ito ng kapwa PBA player na si June Mar Fajardo ng Beermen.

Unang sasabak ang koponan na Magnolia ni Pingris sa Disyembre 20 laban sa Alaska Aces sa San Juan Arena bago ang karibalan sa Barangay Ginebra sa Pasko sa Philippine Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?