28

Nov 18, 2021 @ 19:27
By

Pingris bida sa Mobile Legends teaser

Matapos ang kanyang PBA career, sa eSports na nga ba magpapakitang-gilas si ‘Pinoy Sakuragi’ Marc Pingris?

Bida si Pingris sa teaser ng M3, ang world championships ng Mobile Legends Bang Bang ngayong 2021.

Nakasama ni Pingris sa naturang video ang iba pang Pinoy star ng Mobile Legends tulad nina back-to-back MPL champion Jonmar ‘OhmyV33nus’ Villaluna at Danerie ‘Wise’ Del Rosario.

Bukod pa sa V33Wise duo, parte rin ng teaser sina Mobile Legends Southeast Asia champion Joshua ‘Ch4knu’ Mangilog, at M2 titlist Karl ‘KarlTzy’ Nepomuceno at CJ ‘Ribo’ Ribo.

Kilala si Pingris bilang gamer kahit noong siya’y busy pa sa PBA, madalas niya pang nakakalaro si six-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Bukod kay Pingris, ambassador din ng Mobile Legends si Olympic skateboarder Margielyn Didal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?