24

May 13, 2020 @ 15:26
By

Pingris babawian si Fajardo sa DOTA

Matapos ang unang online games for a cause nina Marc Pingris at Junemar Fajardo, heto’t magkakaroon na ng part 2 ito.

Abril nang unang nagharap ang matagal ng magkaribal sa court at virtual world para sa isang DOTA match.

Naging kakampi ni Fajardo si Kiefer Ravena at si Japeth Aguilar naman ang kasangga ni Pingris.

Nilampaso nina Fajardo at Ravena ang tandem nina Aguilar at Pingris sa unang match na naganap noong Abril.

Uulitin muli nila itong DOTA match para makalikom pa ng pera na kanilang maibabahagi sa mga naapektuhan ng COVID- 19 pandemic.

“Kulang pa kaya may gagawin pa kaming event ngayon,” saad ni Pingris.

Banat naman ni five time MVP kay Pinoy Sakuragi, “Oo, para manalo naman kayo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?