34

Mar 5, 2021 @ 20:07
By

Pingoy natakot kay Abueva!

Kinuwento ni PBA aspirant Jerie Pingoy ang kanyang naging experience nang unang makaharap sa court si Calvin ‘The Beast’ Abueva.

Noong nasa FEU-Diliman pa si Pingoy, nakipag-training siya sa collegiate team kung saan nakalaban nila ang NLEX sa PBA D-League, dating team na kinabilangan ni Calvin.

Dito literal na nakabangga ni Pingoy si Abueva nang subukang magpakilala kay ‘The Beast’.

“Binangga ko siya ng malakas tapos tinanong [niya], ‘Sino ‘yung bata na ‘yon?’” kwento ni Pingoy sa ‘Sportalakan’ ng Abante News Online.

Nang sabihan nina Terrence Romeo at RR Garcia na si Abueva pala ang kanyang nabangga, agad siyang nag-sorry dito.

“Nanghingi ako ng sorry sa kanya kasi ‘di ko alam,” sambit ni Pingoy

“Sinabihan lang ako na ‘Ayos yon. Tuloy mo lang ginagawa mo,’” aniya pa.

Nang tanungin kung babanggain niya pa ba sa PBA si Abueva, napailing na lang ang PBA draftee.

Isa si Pingoy sa mga susubok makatungtong sa PBA sa 2021 Rookie Draft na gaganapin sa March 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?