25

Nov 19, 2021 @ 18:51

Ping tatabasin ang fertilizer scam, kickback, tongpats sa mga magsasaka

Kabilang sa mga plano ni Partido Reporma chairman and standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sakaling manalo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon, ay ang paglilinis sa Department of Agriculture mula sa talamak na korapsyon at anomalya tulad ng fertilizer scam.

Sa kanyang talumpati sa 47th Philippine Business Conference and Expo Presidentiables’ Forum, pinaliwanag ni Lacson ang kanyang mga plano para mawala ang korapsyon sa sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda

“My cross-cutting policy in this sector will target the anomalous and the unscrupulous as I intend to clean the Department of Agriculture from top to bottom ranks,” sabi ni Lacson sa forum na inorganisa ng nangungunang business group sa bansa, ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

“Under my watch, there must be no stench of corruption in the likes of fertilizer scam, kickbacks from distribution of farm implements, and ‘tong-pats’ (bribes) on imported products, among the many other controversies that have been hampering the progress of our food providers,” sabi pa ng beteranong mambabatas.

Sa kanyang panunungkulan, sinabi ni Lacson na matitigil na ang pang-aabuso, kahirapan, at kawalan ng makakain ng mga magsasaka at mangingisda na nagsu-supply sa ating hapagkainan.

Nilatag ni Lacson ang tatlong layunin niya para sa agriculture sector, (1) pagpapalawak ng mga opurtunidad para sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda; (2) Pag-alis ng mentality na umaasa sa mga imported na produkto; at (3) pag-alis ng korapsyon.

Pinangako ng Partido Reporma chairman na bubuo ito ng Regional Food Terminals para mapalakas ang produksyon ng pagkain at pagpapadala nito sa mga lokal na lugar.

Giniit pa ni Lacson na kailangan na ring makompleto ang matagal nang backlog ng bansa pagdating sa irrigation system na aniya, “Which at present, stands at 35.8% of the total 3.12 million hectares of irrigable area.”

Bagama’t si Lacson ang naging author ng Free Irrigation Service Act, sinabi niyang malaki pa rin ang kailangang gawin para maipatupad ito.

Mahalaga rin para sa batikang mambabatas na mabigyan ng suportang teknikal ang mga manggagawa sa nasabing sektor. Kasama rito ang tatlong pinakamahalaga sa pagsasaka – binhi, fertilizer, at irigasyon.

Ipatutupad ni Lacson ang mga alternatibong paraan para mapababa ang pag-asa natin sa importasyon. Kaugnay ito sa problema sa smuggling na lalo pa umanong nagpapahirap sa mga magsasaka.

Ilan lang ito sa mga paraan ni Lacson para labanan ang aniya’y ‘most disruptive ‘war’ of our lifetime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?