337

Jun 11, 2021 @ 21:25
By

Ping sumagot kay Trillanes: Independent ako

Sinagot ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na hindi niya itinuturing na parte ng oposisyon ang una pati na si Manila Mayor Isko Moreno.

“I never considered Senator Lacson as part of the opposition. Because in major policies of Mister Duterte, ‘di ko naman siya nakita sa tabi ko nung nilalabanan ‘yung isyu na ‘yun,” saad ni Trillanes nang tanungin tungkol kay Lacson sa panayam sa “The Chiefs” noong June 10.

“In fact, in most of them, andun siya. He was defending the Duterte policies. He may be criticizing every now and then some positions of Mr. Duterte, but in the major political battles we didn’t see him in our ranks,” dagdag niya.

Binigyang-diin naman ni Lacson na isa siyang independent.

“Independent nga eh. Sa tama lang pwede sumama. Hindi naman mahirap i-memorize yan,” tugon ni Lacson kay Trillanes.

Bago nito, tinanggihan na ni Lacson ang alok ng opposition coalition 1Sambayan para maging parte ng mga presidential nominee nito sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?