143

Oct 8, 2021 @ 16:48
By

Ping sobrang mahal ang ‘Pinas – Iwa

Buo ang suporta ng aktres na si Iwa Moto sa pagtakbong pangulo ng kanyang biyenan na si Senador Panfilo “Ping” Lacson dahil batid umano niya kung gaano nito kamahal ang Pilipinas.

“I fully admit I support my father in law. Because I personally know how much he loves this country,” sey ni Iwa sa Instagram post.

“If you support him. Thank you so much. If not naman, it’s okay. But please, we need to stop the negativity now,” patuloy niya.

Kasabay nito, nanawagan siya sa publiko na respetuhin ang kapwa Pilipino sa gusto nitong kandidato at tigilan na ang pag-aaway dahil sa magkakaibang paniniwala.

“I have tons of friends that are very vocal about their candidate And I respect them. That is their choice. I just hope that people would also respect my decision. And I pray that people would just stop arguing over politics…” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?