80

Nov 21, 2021 @ 21:00
By

Ping sa banta ng China: ‘I never considered backing out’

Hindi man lang natinag si presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson sa naging banta sa kanya ng ilang pwersa ng China habang nasa biyahe siya sakay ng eroplano patungong Pag-asa island nitong Sabado.

Matatandaang kasama ang ilan niyang kaalyado, sinuong ni Lacson ang panganib at nagpunta sa Pag-asa island upang kumustahin ang mga residente roon.

Ang pagpunta ni Lacson ay kasunod ng nangyaring pagbomba ng water cannon ng ilang barko ng China sa dalawang bangka ng Pilipinas.

Nasa biyahe pa lamang umano sakay ng eroplano ay ni-radio na sila ng isang barko ng China upang pagbawalang ituloy ang kanilang byahe.

Ngunit sa kabila nito, naging matatag ang loob nila Lacson at tumawag sa mga Pinoy mula sa naturang isla para makatungtong sila roon nang ligtas.

Sa isang tweet ngayong Linggo, ibinahagi ng senador ang kanyang naramdaman habang tinatawagan sila ng barko ng China.

“Being radio challenged by a Chinese Coast Guard vessel stationed more than 3 nautical miles off the coast of Pag asa, I never considered backing out,” saad ni Lacson.

“Aside from the possibility of being fired at being remote, this is my country, not theirs. They had no right. That was my mindset,” dugtong pa ng presidential aspirant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?