145

Jul 17, 2021 @ 9:37
By

Ping ‘no hard feelings’ sa mga kaibigang hindi susuporta

Tiniyak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi mababago ng kampanya para sa 2022 elections ang samahan sa pagitan nila at mga kaibigan na hindi sasali sa kanilang team.

Naniniwala siyang pagkatapos nito ay mas lalakas pa ang pagkakaibigan nila.

Aniya, no hard feelings at ang lahat ay patas sa pagpili ng sinumang pinuno.

“The 2022 campaign won’t change anything between us and our personal friends who are not joining our team. No hard feelings. Everything is fair in anyone’s choice of leaders. This is all temporary. We will come out of this exercise stronger in bond and closer in friendship,” tweet niya ngayong July 17.

Nakikipagpulong sina Senate President Vicente Sotto III at Lacson sa mga local government official pati na rin sa mga business at civil group bilang bahagi ng kanilang consultative tour para sa darating na halalan.

Pinag-iisipan ng dalawa ang pagtakbong vice president at president.

Sinabi ng Senate leader na bukod sa Aksyon Demokratiko, nakikipagpulong din sila sa iba pang mga political party para sa “posibleng alyansa”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?