242

Mar 7, 2021 @ 15:17
By

Ping natuwa kina Locsin, Babe: Wala nang ‘maglalaglag ng bola’

Todo pasalamat si Senador Ping Lacson matapos mapag-alamang natiyak ng Pilipinas ang milyon-milyong COVID-19 vaccines na gawa ng American drugmaker na Moderna.

Sa isang pahayag, inanunsiyo ng Moderna na pumayag silang magsuplay ng kanilang 13 milyong COVID-19 vaccines sa bansa, na inaasahang darating sa gitna ng taong 2021.

Bukod dito, dapat din anilang asahan ang pagdating ng dagdag na 7 milyong doses ng bakuna na natiyak sa hiwalay na kasunduan ng kompanya sa gobyerno ng ‘Pinas at sa pribadong sektor.

“Thank you Amb. Babe Romualdez and your collaborators in the PH business sector and Moderna. US State Department too,” bigkas ng senador sa Twitter, Linggo, na pinatutungkulan si Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez.

Nagkomento naman si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.: “Right on the money, Ping. Right on.”

Dahil doon, nagpasalamat din si Lacson sa kalihim: “I can almost see Thursday lunch on the horizon. Thank you as well for prodding and pushing. No more dropping the ball.”

Magugunitang sinabi ni Lacson na dapat sana’y makatitiyak na ng 10 milyong Pfizer coronavirus vaccines ang bansa sa Enero 2021 kung trinabaho lang ni Health Secretary Francisco Duque III ang kinakailangang documentary requirement, ang confidentiality disclosure agreement (CDA).

Ito’y kasunod ng pasaring noon ni Locsin na “somebody dropped the ball” o pumalpak sa kasunduan para sa maagang pagdating ng Pfizer bakuna sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?