766

Nov 21, 2021 @ 22:02
By

Ping napahanga ng 17-anyos entrepreneur

‘Hats off’ si Senador Panfilo Lacson sa isang 17-anyos na entrepreneur na nakilala niya matapos siyang umorder dito ng kangkong chips.

Ayon sa Twitter post ng presidential aspirant, umorder ang kanyang tanggapan ng kangkong chips sa binata bilang parte ng kanilang gift-basket giveaway sa darating na pasko.

Ngunit ‘di alam ng senador na sa pag-order niya ay mapapabilib siya sa isang binatang entrepreneur.

“My office ordered delicious ‘kangkong’ chips as part of our Xmas gift-basket giveaways from this 17-year old entrepreneur from Cavite who started this business to help his parents after his lolo passed away last June. I don’t know him but I’m so proud of him. Hats off!” saad ni Lacson sa kanyang post.

Sakaling maging pangulo, isa sa plano ni Lacson ay gawing prayoridad ng gobyerno ang pagtangkilik sa produktong Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?