264

Aug 21, 2021 @ 9:19
By

Ping nanungkit ng avocado

Naglaway ang mga netizen sa mga avocado ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ay matapos niyang i-post sa Instagram ang video habang sinusungkit na niya ang tanim nilang avocado.

Biro ng senador: “Itong Avocado namin, nangangapit-bahay pa… masungkit na nga! #TubongCaviteño.”

Natawa ang mga netizen sa ginawang panunungkit ni Lacson at nanghingi sa kanya ng avocado:

“Penge po Sen,” sambit ni raulberdan012.

“Ansarap po,” react ni rhyzztee.

“Sir senator, ayudahan mo naman po ako ng sungkit mong avocado,” sabi ni vayrah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?