71

Sep 12, 2021 @ 17:30
By

Ping nagpaduyan sa apo

Pahinga muna sa gulo ng politika si presidential candidate Senator Panfilo Lacson ngayong Linggo para makipaglaro sa kanyang mga apo.

Ngayong Linggo ay ginugunita rin ang Grandparents day.

Kaya naman, sinamantala ni Lacson ang pagkakataon para makipaglambingan sa duyan kasama ang dalawang apo na babae.

Ang senador muna ang nagrelax habang masayang tinutulak ng dalawang bagets ang duyan sa kanilang bakuran.

“Tutal Grandparents Day naman ngayon, baka pwedeng ako muna sa swing, mga apo?” pahayag ni Lacson sa caption.

Si Lacson ang isa sa mga nangunguna sa imbestigasyon ng Senado sa katiwaliang kinasasangkutan ng pamahalaan.

Bukod dito, siya rin ang unang nagpahayag ng pagkandidato bilang pangulo sa 2022. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?