193

Apr 2, 2020 @ 16:15

Ping: Motto ng PACC, lahat ng tutulong, ikukulong

Binanatan ni Senador Panfilo Lacson ang paalala ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna sa mga public official na maaaring masampahan ng kaso ang mga ito kung pupulitikahin ang pagbibigay ng tulong.

Dagdag ni Luna, sa ilalim ng Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal As One Act” ay maaaring makasuhan ang sinumang public official na pinapaboran ang kanilang mga supporter, kaibigan at kaanak sa paghahatid ng tulong.

Sa kanyang tweet sinabi naman ni Lacson na motto na raw ba ngayon ng PACC na lahat ng tutulong ay ikukulong.

“PACC’s COVID-19 Motto: “Lahat ng tutulong, ikukulong,” tweet ni Lacson nitong Abril 2.

Matatandaang kinuwestiyon din ni Luna ang mga hakbang ni Vice President Leni Robredo na “nakikipagkumpitensya” umano sa mga aksiyon ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Aniya, hindi raw dapat sinasapawan ni Robredo ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development at National Disaster Risk Reduction and Management Council sa gitna ng krisis sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?