55

Jan 26, 2021 @ 21:41

Ping: Magkakampi na hindi pinupuna isa’t isa, mga ipokrito

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mga ipokrito ang magkakaibigan at magkakampi na hindi kailanman pinuna ang isa’t isa.

“Friends and allies who never criticize one another are neither friends nor allies. They are a pair of hypocrites pulling each other’s leg,” tweet ni Lacson.

Isang araw ito matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang komprontahin ang mga kritiko sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 vaccine.

Iginiit ng Pangulo noong Lunes na walang graft sa mga transaksyon ng gobyerno sa mga vaccine manufacturer.

Nauna nang sinabi ni Lacson na maaaring may katiwalian sa pagkuha ng gobyerno ng bakuna sa isang Chinese firm dahil sa pagkakaiba-iba sa mga presyo ng bakuna sa Pilipinas at iba pang mga bansa. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?