222

Feb 27, 2021 @ 9:55

Ping Lacson sa PNP, PDEA: Pinaglaruan lang kayo ng informant!

Inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na maaaring pinaglaruan lang ng informant ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil hindi raw maaaring magkaroon ng dalawng buy-bust operation ang dalawang ahensya.

“There couldn’t be 2 drug buy-bust operations between the PDEA and PNP operatives. One party must be doing “sell-bust” which is prohibited. If they had a common informant, they had been played,” saad ng Senador sa kanyang tweet.

“Then, find out who fired first. These are the 3 angles that the probe should focus on,” dagdag pa niya.

Kaugnay ito sa shootout na naganap noong Miyerkoles sa Commonwealth Avenue, Quezon City kung saan apat ang namatay – dalawang kawani ng PNP, isang taga-PDEA at ang informant.

Una nang sinabi ni Senador Bato dela Rosa na maaaring nagoyo ang dalawang ahensya ng isang drug syndicate.

“Isang teorya ko diyan, kung talagang pareho silang legitimate ‘yung lakad nila, isang napakasaklap na posibilidad, baka mamaya they were being played by the drug syndicate,” wika ni dela Rosa kahapon sa panayam ng Dobol B TV.

“Baka mamaya ‘yung mga informant, asset na kanilang ginamit, part of a large syndicate na mayroong somebody, orchestrated from the above, na ganito ang gawin ninyo para magpatayan ‘yang dalawa na ‘yan,” dagdag pa niya.

Kahapon nang atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation na gumawa ng solong imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/pnp-pdea-posibleng-nagoyo-ng-drug-syndicate-dela-rosa/

NBI solong pinaiimbestiga ni Duterte sa PDEA-PNP shootout

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?