57

Oct 9, 2021 @ 17:00
By

Ping Lacson namatayan ng utol

Yumao na ang nakakatandang kapatid ni Senador Panfilo Lacson na si Reynaldo.

Inanunsyo ito ng mambabatas sa kanyang Twitter post ngayong Sabado.

“My elder brother, Reynaldo has passed on to the Great Beyond to join our sibling, Juanito and our beloved parents. Enjoy Nanay’s menudo. You’re all being missed here. I’m sure you know,” saad sa post ng senador.

Hindi naman ibinahagi ng presidential aspirant ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang kuya.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang personalidad sa pamilya ni Lacson.

“With my deepest sympathies,” komento ni dating senador JV Ejercito.

“Nakikiramay po, Sen,” pahayag ng reporter na si Menchu Macapagal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?