17

Oct 13, 2021 @ 15:48

Ping kampeon ng karapatang pantao

Binigyang-linaw ni Partido Reporma chairman Panfilo “Ping” Lacson ang maling kuro-kuro na hindi siya kampeon ng karapatang pantao sa pagsabing siya ang palaging tagapagsulong ng taunang badyet ng Commission on Human Rights (CHR).

Mula pa noong 2016, ayon kay Lacson, siya ang madalas na nag-iisponsor ng panukalang pondo ng CHR sa taunang deliberasyon ng badyet, bilang chairperson ng Senate Finance subcommittee.

“I have consistently augmented their (CHR) budget para makapagtrabaho sila nang mas maayos,” pahayag ni Lacson sa panayam sa telebisyon.

Noong 2017, siniguro ni Lacson ang P693 milyong pondo para sa CHR mula sa inisyal na panukalang P573 milyon matapos katayin ng House of Representatives ang kanilang pondo sa P1,000 lamang nang magbanggaan ang dalawang ahensiya sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Nakipag-ugnayan din si Lacson sa namayapang si dating CHR Commissioner Luis Martin “Chito” Gaston para matiyak na lahat ng mga proyektong mangangalaga at magbibigay proteksiyon sa karapatang pantao ay masusustinihan sa harap ng salungat na sistema ng gobyerno.

Si Lacson ay tinaguriang tagabantay ng pambansang badyet sa Senado dahil sa malalimang pagbusisi na kanyang ginagawa upang matiyak na lahat ng salapi ng pamahalaan ay mailaan sa tama at kapaki-pakinabang na gastusin.

Walang naging puwang kay Lacson sa panahon ng pamumuno sa PNP ang pag-abuso sa kapangyarihan at katiwalian kaya naibangon niya ang lugmok na pagtrato ng publiko sa ahensiya at naibalik ang tiwala ng mamamayan.

Ang respeto at pagpapahalaga sa karapatan ng lahat ay nakapaloob din sa alituntunin ng Partido Reporma na ngayon ay pinamumunuan ni Lacson bilang standard-bearer, gabay ang 40 taon nang paninilbihan bilang lingkod-bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?