1,807

Sep 17, 2021 @ 21:16
By

Ping initsapuwera sa presidential survey – Sotto

Ibinunyag ni Senate President Tito Sotto na initsapuwera si Senador Ping Lacson ng isang major polling firm sa text survey nito para sa gustong presidentiable sa 2022 elections.

Ipinagtataka ni Sotto kung bakit wala sa listahan ng pagpipiliang presidential bet si Lacson gayong ito ang kauna-unahang nag-anunsyo ng pagtakbo sa pagka-pangulo.

“Some polling firms are leaving out Lacson from the presidentiable choices which is puzzling since he has long declared his plan to run for president. In fact, he is the only one who has declared his candidacy,” saad ni Sotto sa report ng Politiko.

Ipinakita ni Sotto ang automated text survey na isinagawa ng isang major polling firm kung saan hindi kasama si Lacson sa mga pagpipilian.

Nasa presidentiable choices sina Davao City Mayor Sara Duterte, dating senador Bongbong Marcos, Senadora Grace Poe, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at Senador Bong Go.

“Sorry, Lacson from Region 2 is an invalid text format this is an Automated Survey Question. Pls. Reply Sara Duterte; Ferdinand Marcos; Grace Poe; Isko Moreno; Manny Pacquiao; Leni Robredo; Christopher Go and indicate your region for ex: Marcos I,” mababasang reply kapag sumagot ka ng “Lacson” sa text survey.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?