85

Nov 21, 2019 @ 15:13
By

Ping: Executive Order sapat na para ma-ban ang vaping

Tinimbang ng ilang senador kung dapat ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang vaping sa pampublikong lugar sa pamamagitan lang ng isang executive order.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, hindi mapipigilan ang tao sa paggamit ng vape hanggang walang batas para rito.

“I’m still looking at how it’s possible. In the absence of a law we cannot just prevent people from using it unless we declare it illegal,” sabi ni Sotto.

Aniya, kinakailangan ng ordinansa para maipagbawal ang vaping sa isang pampublikong lugar o ng isang batas para sa nationwide coverage nito.

“Right now it is debatable if an Executive Order will suffice. Except that it’s annoying, a clear public health harm has yet to be proven. Our Arab friends smoke from bigger tanks in their private spaces. Old womenfolk smoke with the lit part inside their mouths. Kanya-kanyang diskarte. Each to his own poison,” sabi ni Sotto.

“The State cannot do everything to protect good health of its citizens. Suicide is not a crime. Assisting in a suicide, maybe. Not suicide itself,” dagdag nito.

Pero sa panig ni Senador Panfilo Lacson, sapat na umano ang executive order para ma-ban ang vaping.

“He can issue an EO to that effect, ito ‘yung hinihintay ngayon ng FDA (Food and Drugs Administration). Remember wala pa namang license to operate ‘yung manufacturers ng vape, wala pa rin silang certificate of product registration,” sabi ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?