234

Sep 7, 2021 @ 18:01
By

Ping: C-130 plane ginawang pang-deliver ng nabiling PPE ng Pharmally

Ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ginamit ang C-130 plane ng militar para sa delivery ng mga suplay na binili ng Pharmally sa China.

Subalit agad namang itinanggi ito ni National Task Force on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr.

“We have that information but now that Sec. Galvez is denying it, then so be it. But we have our own sources,” pahayag ni Lacson sa ikaapat na pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

“I’m just wondering why we cannot accommodate a Filipino entrepreneur who’s willing to help because of the pandemic, tapos hindi natin bibigyan ng ganoong accommodation na binigay sa Pharmally,” dagdag pa nito.

Bago ito, kinuwestiyon ni Lacson kung bakit hindi nabibigyan ng ganoong pagtrato ang mga local manufacturer kumpara sa mga dayuhang supplier.

Inamin naman ni EMS Components Assembly chief executive Perry Ferrer, gumagawa ng lokal na face mask, na dumadaan ang mga inangkat nilang mga raw material sa Bureau of Customs.

Sila rin umano ang nagbabiyahe ng kanilang produkto sa lahat ng delivery points gamit ang kanilang sariling sasakyan.

“Bakit ang accommodation sa foreign firm parang higit pa kesa sa accommodation kaysa sa sarili nating kababayan?” tanong ni Lacson.

Paliwanag naman ni Galvez, ang pagsara ng mga border ng bansa sa gitna ng pandemya noong 2020 ang siyang dahilan kung bakit ginamit ang military plane sa pagbiyahe ng mga biniling PPE sa China patungo sa Pilipinas.

“Considering we have a lockdown then, they don’t have any flights because the different ports of the Philippines had been shut down because we had a total lockdown then,” paliwanag ni Galnez.

Buko sa tatlogn C1-30 flight, may din ng Philippine Airline flights at 12 Cebu Pacific flights ang ginamit noong Abril 2020 para mag-deliver ng PPE.

Sa kabuuan, may 280,000 PPE ang nai-deliver sa Pilipinas mula sa China gamit ang naturang mga eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?