47

Oct 6, 2021 @ 20:50
By

Ping bubuwagin mga sindikato sa loob, labas ng gobyerno

Gagamiting armas ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang isang pamumunong walang bahid ng korapsyon upang buwagin ang mga sindikato sa loob o labas man ng gobyerno.

Sinabi ito ni Lacson matapos ang paghahain niya ng certificate of candidacy kasama ang running mate na si Senate President Tito Sotto nitong Miyerkoles.

“Kahit minsan hindi tumanggap ng suhol kapalit ang serbisyo publiko — nananatiling walang bahid ng korapsyon ang siya naming gagamiting pinakamabisang armas upang buwagin ang mga sindikato sa loob at sa labas man ng gobyerno,” pahayag ni Lacson.

Kabilang aniya sa pamumuno niya ang isang disiplinadong burukrasya at wastong paggamit ng pambansang badyet upang makinabang ang lahat ng mga Pilipino lalo na iyong nasa malalayong lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?