48

Nov 19, 2021 @ 21:17
By

Ping ‘1,000% sure’ hindi siya ang tinutukoy na adik sa cocaine

Sigurado si presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na presidential bet na gumagamit ng cocaine.

“I am 1,000% sure PRRD was not referring to me,” sambit ni Lacson.

Noong Oktubre sinabi ni Lacson na handa siyang sumailalim sa drug test.

Kagabi ibinunyag ng Pangulo na isang tatakbong pangulo sa 2022 elections ay cocaine user at wala pang nagawa sa bansa.

Hindi pinangalanan ng punong ehekutibo kung sino ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?