38

Nov 6, 2021 @ 15:58
By

Pinay waging Miss Globe 2021

Winner uli ang ganda at talino ng isang Filipina sa ginanap na Miss Globe International 2021.

Nasungkit ng 28-anyos na si Maureen Montagne ang korona sa nasabing pageant na ginanap nitong Sabado ng umaga sa Tirana, Albania.

Dinaig niya ang 40 iba pang kandidata.

Back to back win ito para sa Pilipinas matapos unang manaig si Cinderella Faye Obeñita sa Miss Intercontinental, isang linggo pa lang ang nakalipas.

Samantala, ikatlong Miss Globe crown na ito ng Pilipinas matapos itong unang maiuwi nina Maricar Balagtas (2001) at Ann Colis (2015).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?