63
ABANTE miss belgium fil am angeline flor pua
Jan 15, 2018 @ 14:21

Pinay waging Miss Belgium 2018

Kakatawanin ng isang Pinay beauty queen ang bansang Belgium sa mga international pageant ngayong taong ito.

Ito’y matapos na makoronahan si Angeline Flor Pua bilang Miss Belgium 2018, ayon sa pageant website Missology.

Sabi sa website, si Pua ay purong Filipino na pinalaki sa Belgium.

Nanalo si Pua bilang Miss Filipina Europe 2016 at isa siyang student airline pilot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?