125

Aug 26, 2021 @ 12:58
By

Pinay wagi sa TikTok, kinuhang guest announcer ng WWE

Natupad ang pangarap ng isang dating researcher ng news company sa Pilipinas na maging guest ring announcer ng WWE event na Summerslam noong Linggo.

Si Raine Cruz, dating researcher ng GMA News, ay nadiskubre sa WWE Announcer Contest sa TikTok at naimbitahan sa Summer Slam.

Ayon kay Cruz, 2006 nang mahumaling siya sa pro wrestling at sa tindi ng paghanga niya ay pinangarap niyang magtrabaho dito.

Taong 2012 naman nang matapos ang kanyang trabaho sa GMA at lumipad na pa-US, dala ang pangarap na makapagtrabaho sa WWE.

Sinimulan ni Cruz sa paglikha ng prediction videos ng mga wrestling matches ng WWE ang tangkang maabot ang pangarap.

Hanggang sa may isang kaibigan ang nagpaalam sa kanya tungkol sa pa-contest ng WWE sa TikTok kaya’t ‘di na niya pinalampas ang oportunidad.

“I literally fell down on my knees and started crying. How was it possible for me to win? I could not believe it. My husband saw me and was wondering what happened, and when he found out, he gave me a big kiss and a hug. He knew how much this contest meant to me,” kwento ni Cruz.

Matapos maging guest announcer, sunod na pangarap niya ang maging full-time ring announcer ng WWE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?