19

Sep 13, 2020 @ 11:05
By

Pinay wagi sa Miss Trans Global 2020

Ang pinakaunang tinanghal na Miss Trans Global 2020 ay isang Pilipina!

Siya ay si Mela Habijan na isang aktres, manunulat, negosyante, guro, at trans rights advocate.

Tinalo ng Pinay transgender woman ang 17 pang kandidato, kabilang ang 4 ding Pilipina na kalahok.

Naganap ang finale ng nasabing virtual pageant kagabi, Setyembre 12.

“PILIPINASSSS, WE WON! WE WONNNNNNN!!! WE ARE THE FIRST-EVER MISS TRANS GLOBALLLLL!,” tuwang-tuwang bulalas ni Habijan sa Facebook.

“NOT YOUR TYPICAL CROWNING MOMENT, BUT I’M HAPPY TO BE HOLDING THE HANDS OF THE BEST PEOPLE IN MY LIFE!,” aniya pa kalakip ang larawan niya at ng kanyang pamilya sa bahay.

 

 

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10164432581935651&set=a.10152798943980651&type=3
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?