35

By

Pinay vs Chinese sa ONE Championship

Sharing is caring!

Magbabalik si April Osenio sa ONE Championship laban sa bagong sibol pero kilabot na grapper-striker na si Xiong Jingnan ng China sa Dec. 9 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand.

Ang laban ng 23-anyos na Pinay ang magiging panapos para sa isang magandang taon pa rin sa hanay ng mandirigma ng Team Lakay na nakabase sa Baguio City.

Babawi si Osenio mula sa submission loss kay Jenny Huang ng Chinese Taipei noong Disyembre sa nakalipas na taon sa nalalapit na atomweight bout.

Dibdiban pa rin sa kasalukuyan ang national wushu women’s champion sa kanyang training sa Summer Capital kasabayan sina Team Lakay brothers at former world champions Honorio Banario at Eduard Folayang.

Lalo’t astig si Jingnan na top three leading female martial artist sa kanyang bansa na may professional record na 9-1, at nagsimulang pro boxer. Galing pa siya sa pagdaklot ng gold sa katatapos na China Open Brazilian jiu-jitsu tournament.

Nakalinyang sumabak din sina Filipino MMA fighters Rome Trinidad kontra Rika Rika Ishige, Jimmy Yabo laban kay Sagetdao Petpayathai, at Rene Catalan kasagupa si Kritsada Kongsrichai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?