18

May 10, 2021 @ 10:34

Pinay umarte sa Marvel series

Bukod sa kantang ‘Amatz’, may isa pang Pinoy pride na umeksena sa Marvel series na ‘The Falcon and the Winter Soldier’.

Ginampanan ni Jane Rumbaua ang karakter ni Ayla Perez, isang Pinay diplomat na naging kakampi ni Captain America laban sa teroristang grupo.

Kinuwento ng Fil-Am actress sa ‘New Day’ ng CNN Philippines na napasigaw siya nang malamang pumasa siya sa audition para sa role.

Aniya, umabot ng isang linggo para ma-shoot ang chopper scene kung saan nagmistulan siyang piloto.

“I am so honored that Marvel gave me the opportunity to play a strong, smart female character from the Philippines where I was born. It’s been such an honor,” saad ni Rumbaua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?