22

Sep 26, 2020 @ 20:43
By

Pinay top gamer ng Ragnarok sa Southeast Asia

Sobrang karangalan para sa aktres na si Myrtle Sarrosa na mapabilang sa Top 100 ng mga manlalaro ng Ragnarok sa Southeast Asia.

Sabi ni Sarrosa sa Chika Minute report ni Lhar Santiago, mayroon namang Filipino gamer na nakapasok sa listahan pero siya lang ang nag-iisang babae sa grupo nila.

“Sobrang honor siya kasi last previous seasons walang Pilipino na nakapasok sa top 100s. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, basta makapasok ako sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who play together with me, nakapasok kami sa Top 100,” sambit ni Myrtle.

Pangarap ni Sarrosa na makasama sa team ang mahilig din sa video games na si Alden Richards.

“Sana maimbita ko siya to play together with me. I actually played against him. Sayang! I hope next time we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon! I mean, he’s very good din sa mga video games. Nakakatuwa ‘yung mga livestream niya. So I hope we could collaborate,” sey pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?