47

Oct 7, 2021 @ 19:44
By

Pinay teen weightlifter sunod sa yapak ni Hidilyn Diaz

Wagi ng dalawang ginto at isang silver medal sa 2021 International Weightlifting Federation Youth World Championships ang 16-anyos na si Rose Jean Ramos.

Nasungkit ni Ramos unang ginto sa 45kg division ng snatch kung saan nabuhat niya ang 67 kilograms.

Ang isa pang ginto ay mula sa kanyang total score na 147 kilograms.

Samantala, ang kanyang silver medal ay mula sa clean and jerk kung saan nabuhat niya ang 80 kilograms.

Ang isa pang Pinay teen weightlifter na sumabak sa kompetisyon ay ang 14-anyos na si Jeaneth Hipolito, na sinungkit ang bronze medal sa 40-kg division ng snatch.

Proud naman sa kanila ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na si Monico Puentevella.

“They (Hipolito at Ramos) are seen as future Olympians in Los Angeles 2028, but it highly depends on their determination to succeed,’’ wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?