taekwondo jin
By

Pinay taekwondo jin, nakasungkit ng gold, bronze sa Amerika

Sharing is caring!

Nakakaldag ang isang 24-anyos na Pinay taekwondo jin ng isang gold at dalawang bronze medals sa kasasagawang Pan America Kukkiwon Hanmadang sa Los Angeles, California, USA.

Dinakma ng tubong Jaro, Iloilo City na si Karina Belicena ang gold sa power breaking category sa pagdemolis kina Dajeet Kaur ng India at Angela Escobar ng Bolivia.

Naka-bronze siya sa poomsae category laban sa 10 karibal na tig-isa buhat sa Bolivia at India bukod pa sa walong Amerikana.

Ang isa pa niyang bronze ay sa overall ranking sa likod nina Koreans at gold medalist Hyeon Jin Mun at silver winner Hyejin Jung.

“Normally, the Hanmadang is hosted by South Korea, but for the first time, they organized it here in the USA. It is a global event celebrated and joined by different countries around the world,” dada ni Belicena.

Kakatanggap lang din ng USA taekwondo national referee ng sertipiko bilang World Taekwondo Masters Union member at ng Global Athlete License bilang player at coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?