56

Dec 5, 2017 @ 9:30
By

Pinay softbelles todo-palo sa Down Under

Pinagbobokya ng Philippine girls 17-under softball team ang unang tatlong mga karibal para sa malagablab na simula sa 10th Pacific School Games 2017 sa Adelaide Shores, West Beach sa Adelaide, Australia nitong Linggo at Lunes.

Unang sinetlog ng Filipinas ang South Australia noong Dec. 3 ng umaga 6-0, saka kinumpleto ang araw sa pagpulbos sa India kinahapunan, 15-0.

Kahapon ng umaga nasingitan naman ng mga Pinay ang New South Wales 1-0, at makikipagbuno pa habang sinusulat ito kontra Victoia sa 10-araw na palaro.

Nabuo sa Phl squad ang nakonsulasyunan ng silver medal sa 2017 Senior League Softball World Series sa Estados Unidos noong August.

Nagpatalsik si fastballer Glory Alonzo ng Domingo Lacson National High School-Bacolod ng seven batters kontra South Australia.

Tinrangkahan naman nina Madaylene Dumaug at catcher Chastine Jover ang mga naka-homerun para galamayin ang atake ng bansa laban sa Indians. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?