4,792

Sep 21, 2019 @ 12:26
By

Pinay sinaksak sa dibdib ng asawang French

Nananawagan ang mga Pilipino sa Paris na magtulungan upang mabigyang-katarungan ang sinapit ng kababayang si Janice Badr na pinatay ng asawa nito sa Maisons-Lafitte, France.

Ayon sa mga saksi sa ulat ng ABS-CBN News, lumabas ang 30-anyos na Pinay sa kanilang garden at pasigaw na humihingi ng tulong habang hinahabol ni Christophe Badr, 34-anyos.

Nang maabutan si Janice, sinaksak ito ng suspek sa dibdib at matapos ay bumalik sa kanilang bahay.

Tumawag sa pulis ang mga kapitbahay subalit dedo na ang tubong Davao na si Janice.

Sa ngayon, hindi pa alam ang motibo ng pagpatay.

Dalawang taon nang kasal ang Pinay sa suspek na French, at naulila ng una ang 18-buwang anak na babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?