234

Nov 1, 2017 @ 18:18

Pinay sinaksak ng kapwa Pinoy sa Saipan

Patay ang isang Pinay matapos saksakin na kababayan nitong Pinoy sa Texas Road in Chalan Kanoa, Saipan, sa Northern Mariana Islands noong Linggo.

Ayon sa report ng Saipan Tribune, ang biktimang si Josefina Pineda, 52, dating operations manager ng Xtreme Marine Sports operations manager, ay idineklarang dead on arrival sa Commonwealth Health Center dahil sa dami ng tama ng saksak sa katawan.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang asawa nitong si Tony Barit dahil sa sugat sa ulo.

Ang suspek na si Alfonso Sebastian Parongan, 55, ay nagtangkang magtago sa gubat malapit sa bahay ni Pineda subalit nasakote din ng mga pulis.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon diumano ng pagtatalo ang dalawa tungkol sa bill nito sa kuryente sa room na inuupahan ng suspek.

Nang magkainitan, kumuha ng kutsilyo si Parongan at biglang sinaksak si Pineda at isinunod si Barit. Tumakas ang suspek nang mapigilan siya ng kaptibahay nito na saksi sa krimen.

Sinampahan ng kasong first degree murder, attempted second degree murder, assault with dangerous weapon, at aggravated assult and battert ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Saipan Jail.

Walang bail na inirekomenda ang Superior Court para sa pansamantalang paglaya ni Parongan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?