38

By

Pinay sama sa death row sa Indonesia dahil sa droga

Sharing is caring!

Isang Filipina ang nahatulan kamakailan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil nahulihan umano ng iligal na droga.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, nasa bilangguan na sa Semarang, Central Java ang Filipina.

Hindi pa ito nagbigay ng mga detalye pero ginarantiyahan na ibibigay ng gobyerno ang lahat ng pwede nitong itulong sa Filipina gaya ng ibinibigay kay Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay nahatulan doon ng kamatayan matapos mahulihan ng heroine sa paliparan.

Nananatili itong nakabilanggo sa Yogyakarta Jail habang hinihintay ang mga apela upang paligtasin ito sa parusang kamatayan at upang makatestigo laban sa diumano ay mga illegal recruiter nito.

Hindi naman tiyak kung matatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng dalawang Filipina kapag nakaharap niya si Indonesian President Jokowi Widodo ngayong linggo.

Tutungo ang pangulo sa Bali, Indonesia para sa pulong bukas, Oktubre 11, ng mga lider ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?