834

Dec 29, 2017 @ 9:51

Pinay sa viral attack video, nakauwi na mula sa Iraq

Nakabalik na sa Pilipinas na ang isang OFW na nag-Facebook Live ng pag-atake sa kanya ng kamag-anak ng kanyang employer sa Iraq.

Dumating noong Huwebes si Alice Aguilan, 36, matapos siyang tulungan ng embahada ng Pilipinas sa Iraq dahil sa isa siyang undocumented at overstaying na OFW sa naturang bansa.

Sabi ni Aguilan, masaya siyang kanyang pag-uwi dahil makikita na niya ang kanyang mga anak matapos ang anim na taong pagtatrabaho sa Iraq.

Kuwento sa Aquilan, nagulat na lang siya nang bigla siyang gulpihin at pagbantaan ng kamag-anak ng kanyang employer, na isang houseboy, noong Disyembre 22.

Sa kabilang ng mapait na karanasan, sinabi ni Aguilan, isang biyuda, na mangingibang bansa pa rin siya suportahan ang kanyang mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?